Miyerkules, Enero 23, 2013

Bye Mr. Captain America! :'(


GUSTO KO GD SIYAAAAAAAAAA! NAHURT GID KO YAAAAA!

Yan lamang ang mga salita na binulalas ko habang umiiyak na parang bata nung nakita ko ang picture ng pesteng crush ko sa facebook with his gf. Oo alam ko, wala akong karapatan magrekalamo bakit nga ba? Una, wala naman kaming relasyon, pangalawa, never naman kaming nag-usap at ang pangatlo at ang pinaka-masakit sa lahat, hindi niya naman ako kilala. -_-

Waaaaa. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Pinagsisihan ko ang araw na tumapak ako sa cd-r king kasi doon ko siya ulit nakita after ng high school. Noong high school, pangit pa siya. Maitim, patpatin at emo/jejemon. Pero noong college na, wow naman. Kung may anung milagrong nangyari sa puberty stage niya at tinubuan siya ng muscles idagdag mo pa na para siyang gumamit ng glutathione dahil pumuti siya. And after that day, anak ng tokwa, I was trapped under his spell. Charot! Mga dalawang beses ko pa siya ulit nakita, sa isang particular club. Iba’t ibang babae ang kasayaw niya, ang landi nu? Pero wala pa ring nagbago, crush ko pa rin ang unggoy na yun. At alam ko, gusto ko siya, gustong-gusto kagaya sa kagustuhan ko namaka-graduate on time. Lol. T.T

Okay lang naman sana ng una e, crush lang, yung tipong nacute-an ka lang sa kanya kasi gwapo o d kaya’y there’s something in him that caught your attention. Pero wala, lumalala ang tama ng iyong lingkod, everyday kong pinupuntahan yung profile niya sa facebook, kahit nakita ko na ang lahat ng status niya, activities at photos. Pero wala pa rin. It has been a part of my daily routine. Dumating pa nga sa point na pati wallpaper ko ay siya na. -_- yaaaak. Alam ko. Nakakadiri na ko. -_-


Ohwell, Goodbye Mr. Captain America. Congrats. May love-life ka na. Bantayan mo ng mabuti ang babae mo ha? Baka kasi maptay ko siya. Loljk.

Payong kaibigan, okay lang mag kacrush lalo na kung crush ka ng crush mo, atleast mutual diba? Pero wag magpa-sobra ha? Nakakapanlumo, nakakaumay at nakakamatay ng puso at brain cells. :/


Linggo, Oktubre 14, 2012

Boys.

Jenny: Hindi naman masama mangarap e..

Ako: Lalo  na, kung gwapo ang iyong pinapangarap! (with matching maarte na high-pitch tone voice)

Hahaha. Isa lang naman to sa mga nakakatawang convo namin ng roomate ko. Sabihan niyo man kami ng ambisyosa pero totoo naman diba? Pangarap naman talaga ang mga gwapo, hot at umaapaw sa sex appeal na mga lalaki. Sino ba naman kami para mapansin nila?  At kagaya nga ng sinabi ni Bea kay John Lloyd sa pelikula na The Mistress, "hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo."  Na naging motto ng buhay ko ng nakita ko siya sa club at ang masakit madaming babae na linalandi ung mokong.

Ganoon ba talaga pag gwapo? pag hot? pag may appeal? Easy access lang sa kanila yung mga babae na gusto nila, yun bang para silang nasa tiangge na punong-puno ng mga babae tapos bibilhin yung gusto nila tapos pag pinagsawaan na ang dali lang magpalit agad. Yung isa pang kinaiinisan ko e yung mga lalaki  na nagagandahan at nagseseksihan na nga ang mga girlfriend nila, hindi pa nakokontento at naghahanap pa ng iba. Kaya nga, saludo ako sa mga lalaki na gwapo na, loyal pa! Yun bang kung tingnan mo yung profile niya puro mukha lang ng girlfriend o di kaya puro sweet posts galing sa girlfriend niya at mga kulitan nila. Sana lahat na lang ng lalaki ganun, para wala ng babaeng iiyak at aasa. 

Hindi naman ako nagiging stereotype, observant lang po. Hindi naman sa naninira ako ng puri ng tao o ano, gusto ko lang naman i-express ang opinion ko. Bakit nga ba ganoon? Bakit pag lalaki ka ang dali lang, ang dali lang maghanap, magpalit, manligaw, magpa-asa? :( Pero kung babae ka, dapat conservative ka hanggang smile o pacute ka lang at kailangan mo pang magpa-kipot para hindi ka magmukhang desperada. Haaaay buhay. :/

Ohwell, share ko lang naman to. Sariling point of view. Pero sa mga lalaki jan, matauhan naman kayo please lang. Matutunan niyo naman sana ang kahulugan ng pariralang stick-to-one. Madali lang naman makuha ang babaeng gusto mo kung ipapakita mo naman na deserving ka para sa kanya. Mahalin mo at huwag ng maghanap ng iba. Yun lang yun. Kasi sa buhay minsan ka lang makakahanap ng taong magpapakatanga at mamahalin ka ng bonggang-bongga! :)


Sabado, Oktubre 13, 2012

Bitter ka pa rin ba? :(( :))

Alam niyo ba yung feeling na, akala mo siya na? ung tipong hinintay mo ng ilang buwan o taon, ung taong pinaramdam sayo ang lahat ng gusto mong maramdaman tapos tanginalungs iiwan ka rin niya pala kagaya ng lahat na nangiwan at nangsakit sayo.

Oo alam ko, kung gaano kasakit iwanan. Minsan, napapaisip ka kung bakit, kung saan ka nagkulang, at anong nagawa mo para pabayaan ka na niya ng ganun-ganun lang. Darating ang mga araw na mawawalan ka ng gana kumain kasi iisipin mo ang taba-taba mo, may mga times din na habang titingin ka sa salamin tatanungin mo ang sarili mo, tangina, ang pangit ko na ba? Ung feeling na nanliliit at nahihiya ka na sa sarili mo dahil nagpapakatanga ka sa kanya habang siya masayang masaya sa pinag-gagagawa niya. May mga oras din na mawawala ka sa sarili mo, ung moment na nagkukusang mag time-travel ang utak mo sa mga tiyempo na kung saan masaya kayong dalawa sa piling ng isa't-isa tapos unti-unting tutulo ang mga luha mo kasi namimiss mo na siya o di kaya nanghihinayang ka sa mga panahon na yon at napapaisip ka kung anong pwede pa sanang niyong nagawa kung magaksama kayo hanggang ngayon. Kaya nga ayaw na ayaw ko ang dead air pag nag-iisa ako, kasi yun yung mga oras kung saan mapapaisip ako at mapapabuntong-hininga ng malalim habang bumabalik sa realidad na sinayang ko lang ang oras ko sa kanya. 

Pero kagaya ng kasabihan na "there will always be a rainbow after the rain", kailangan lang talaga natin mabasa sa super lakas na ulan tapos magkasakit ng sobra para makapag-isip at magising sa katotohanan na hindi na siya ang taong minahal mo at wala ng siya sa buhay mo. Siguro nga minahal ka naman niya, dumating lang talaga ang time na nawala na yung pagamamahal na tinatawag kaya ayun mas pinili na lang niya iwanan ka kahit masakit kesa magkasakitan lang kayong dalawa kasi na trap lang kayo sa isang relationship na hindi niyo gusto.

Mahirap magmove-on lalo na kung minahal mo ng sobra ang tao pero laging isipin na wala namang ibinigay na problema na hindi mo makakayang lagapasan diba? Kailangan lang talaga natin maging mature, isipin mo na lang na, kahit hindi man siya ang nakatuluyan mo, alam mo na binigyan ka niya ng mga masasayang alaala na panghabangbuhay mong itatago sa baul mo. Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo dahil iniwan ka niya kundi kung may babaguhin ka man sa sarili mo, gawin mo to kasi ito ang nagpapasaya sayo. At laging tandaan, lahat tayo ay merong nakalaang  tao na matatagpuan natin balang araw at magapaparamdam sayo na kung gaano siya kaswerte na merong ikaw sa buhay niya. 

Kaya mo yan, ikaw pa! Napakaikli ng buhay para sayangin sa mga walang kwentang bagay, ika nga nila live life to the fullest, kaya dapat goodvibes lang ang trip para masaya. :)