Alam niyo ba yung feeling na, akala mo siya na? ung tipong hinintay mo ng ilang buwan o taon, ung taong pinaramdam sayo ang lahat ng gusto mong maramdaman tapos tanginalungs iiwan ka rin niya pala kagaya ng lahat na nangiwan at nangsakit sayo.
Oo alam ko, kung gaano kasakit iwanan. Minsan, napapaisip ka kung bakit, kung saan ka nagkulang, at anong nagawa mo para pabayaan ka na niya ng ganun-ganun lang. Darating ang mga araw na mawawalan ka ng gana kumain kasi iisipin mo ang taba-taba mo, may mga times din na habang titingin ka sa salamin tatanungin mo ang sarili mo, tangina, ang pangit ko na ba? Ung feeling na nanliliit at nahihiya ka na sa sarili mo dahil nagpapakatanga ka sa kanya habang siya masayang masaya sa pinag-gagagawa niya. May mga oras din na mawawala ka sa sarili mo, ung moment na nagkukusang mag time-travel ang utak mo sa mga tiyempo na kung saan masaya kayong dalawa sa piling ng isa't-isa tapos unti-unting tutulo ang mga luha mo kasi namimiss mo na siya o di kaya nanghihinayang ka sa mga panahon na yon at napapaisip ka kung anong pwede pa sanang niyong nagawa kung magaksama kayo hanggang ngayon. Kaya nga ayaw na ayaw ko ang dead air pag nag-iisa ako, kasi yun yung mga oras kung saan mapapaisip ako at mapapabuntong-hininga ng malalim habang bumabalik sa realidad na sinayang ko lang ang oras ko sa kanya.
Pero kagaya ng kasabihan na "there will always be a rainbow after the rain", kailangan lang talaga natin mabasa sa super lakas na ulan tapos magkasakit ng sobra para makapag-isip at magising sa katotohanan na hindi na siya ang taong minahal mo at wala ng siya sa buhay mo. Siguro nga minahal ka naman niya, dumating lang talaga ang time na nawala na yung pagamamahal na tinatawag kaya ayun mas pinili na lang niya iwanan ka kahit masakit kesa magkasakitan lang kayong dalawa kasi na trap lang kayo sa isang relationship na hindi niyo gusto.
Mahirap magmove-on lalo na kung minahal mo ng sobra ang tao pero laging isipin na wala namang ibinigay na problema na hindi mo makakayang lagapasan diba? Kailangan lang talaga natin maging mature, isipin mo na lang na, kahit hindi man siya ang nakatuluyan mo, alam mo na binigyan ka niya ng mga masasayang alaala na panghabangbuhay mong itatago sa baul mo. Hindi mo kailangang baguhin ang sarili mo dahil iniwan ka niya kundi kung may babaguhin ka man sa sarili mo, gawin mo to kasi ito ang nagpapasaya sayo. At laging tandaan, lahat tayo ay merong nakalaang tao na matatagpuan natin balang araw at magapaparamdam sayo na kung gaano siya kaswerte na merong ikaw sa buhay niya.
Kaya mo yan, ikaw pa! Napakaikli ng buhay para sayangin sa mga walang kwentang bagay, ika nga nila live life to the fullest, kaya dapat goodvibes lang ang trip para masaya. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento